Sunday, March 22, 2009

Batas ng Pananagutan

Panimula

Kami, mga bumubuo ng sambayanang Pilipino na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos upang bumuo ng isang pantay, makatao, at makatarungang kostitusyong tutulong sa ikaaayos at ikapapayapa ng ating bansa hindi lamang sa aming sarili ngunit para sa lahat ng magiging sakop nito at aming pinapatotohanan na mananatiling mananaig ang batas, at ang pamamahala kung saan may pag-ibig, kapayapaan at katarungan para sa lahat, ay naglalagda at naghahayag ng konstitusyong ito.



Artikulo I

Ang Pambansang Teritoryo

Sinasakop nito ang buong archipelago ng Pilipinas, ang buong kapuluan at ang tubig na pumapaligid ditto na nasa ilalim ng pamamahala at kapangyarihan ng Republika ng Pilipinas.








Artikulo II

Deklarasyon ng Batas at Pananagutan

Seksyon 1

Responsibilidad ng bawat mamamayan na isailalim ang kanilang mga sarili sa batas.

Seksyon 2

Walang sinuman ang may karapatan na magsalita ng negatibo tungkol sa bansa.

Seksyon 3

Ang mga programa ng pamahalaan na may layunin na paunlarin ang bansa ay nararapat na suportahan ng bawat mamamayan.

Seksyon 4

Ang bawat mamamayan ay dapat makilahok sa anumang usaping pampulitika katulad ng eleksyon.

Seksyon 5

Responsibilidad ng bawat mamamayan na alamin ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.



Seksyon 6

Responsibilidad ng bawat mamamayan na magbayad ng buwis.

Seksyon 7

Responsibilidad ng bawat Pilipino na magsilbi sa bayan ng hindi kukulangin ng limang taon.

Seksyon 8

Ang watawat ng Pilipinas pati na rin ang pambansang awit na “Lupang Hinirang” ay dapat tumanggap ng kaukulang paggalang alinsunod sa Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Seksyon 9

Walang sinuman ang may karapatang kitlin ang sariling buhay.

Seksyon 10

Walang sinuman ang may karapatang manakit ng kapwa sa kilos, sa salita, at sa gawa.

Seksyon 11

Ang bawat mamamayan ay may responsibilidad na tumulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan.




Seksyon 12

Responsibilidad ng bawat Pilipino na igalang ang kanilang ama at ina.

Seksyon 13

Ang bawat asawang lalaki ay may responsibilidad na ibigay ang mga pangangailangang pinansyal, emosyonal, sosyal, at ispiritwal ng bawat miyembro ng pamilya.

Seksyon 14

Ang bawat asawang babae ay may responsibilad na pangalagaan ang kanyang sarili at pamilya.

Seksyon 15

Responsibilidad ng bawat magulang na maging mabuting halimbawa sa kanilang mga anak.

Seksyon 16

Ang bawat estudyante ay may responsibilidad na pagbutihin ang pag-aaral kaalinsunod sa layunin na pagyamanin ang intelektwal na kapabilidad ng susunod na henerasyon.

Seksyon 17

Responsibilidad ng bawat isa na linangin ang kanilang mga talento at kakayahan upang mapaunlad ang kanilang mga sarili at ang bansa.


Seksyon 18

Ang mga pinuno ng bawat institusyon ay may responsibilidad na maging totoo sa kanyang mga salita at gawa, at igalang ang mga taong nasasakupan.

Seksyon 19

Ang mga manggagawa ay dapat maging tapat sa kanilang mga tungkulin.

Seksyon 20

Ang bawat mamamayan ay may responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan.

Seksyon 21

Ang bawat gawang-lokal ay dapat tangkilikin ng bawat mamamayan.

Seksyon 22

Responsibilidad ng bawat isa na gumawa lamang ng kaaya-aya sa mata ng kanyang kapwa.

Seksyon 23

Responsibilidad ng bawat mamamayan na panagutan ang kanilang maling gawa.




POLITICAL SCIENCE 1 – E1

MANUEL, Michelia

ARBAN, Alnie Marie

QUIROZ, Luis Carlo


Professor Bubbles Beverly ASOR

23 March 2009

No comments:

Post a Comment